Psychotic Killers and Slutty Students: Battalia Royale v3.0 Experience

Last night, Vince, Patty and I were dehydrated from running after psychotic killers and slutty students at Museo Pambata. And yes, we did get splattered with blood (all three of us!).

We reserved our tickets a few weeks earlier than September 30 for the last show of Battalia Royale. Battalia Royale is a loose adaptation of the Koushun Takami novel, Battle Royale. There is also a movie based on the novel, so go check that out. (Pictures from Battalia Royale’s Facebook page)

Battalia Royale v3.0
Class Hope of Our Lady of Guadalupe High School Manila

 

To say that we were so psyched and excited to watch Sipat Lawin Ensemble is an understatement. The raving reviews and the cult following it formed in the UP Community had us expecting for a play like no other.

Okay, breathe. Here’s the part where I share my thoughts and feelings about Battalia Royale v3.0

SPOILERSSPOILERSSPOILERSSPOILERSSPOILERSSPOILERSSPOILERSSPOILERS

Hindi ko binasa yung website, Easter Egg Hunt items, (hidden scenes you could watch that is not part of the main narrative) and character profiles. Mali ba yun? Dapat ba pumunta kami sa Museo Pambata armed with the backstories of the characters? Akala ko kasi mae-explain siya sa play mismo.

Unfortunately, mas marami pa akong nalaman after the play after reading the character profiles etcetera. Hindi ko alam kung kakulangan ng Battalia yun or kakulangan namin as spectators.

Masaya yung feeling na nagtatakbuhan sa Museo at nakikipagsiksikan sa mga tao para lang makakuha ng magandang view ng eksena. Naisip namin na medyo magulo nga lang at sana mas maayos pero na-realize ko na ang pangit kapag naging “maayos” yung pagu-usher kasi hindi siya magiging consistent sa mood ng play. So fine, okay lang.

Kaso, nakakainis kasi feeling ko ang dami kong ‘di napanood. Kapag pumunta ka kasi sa isang scene, ‘di mo na mapapanood kung ano mang nangyayari sa iba. Eh gusto ko mapanood lahat! Yung iba kasi, napanood na dati so pwede sila pumunta na sa ibang scene. Sana paulit-ulit na lang silang umaarte or something? Yung inuulit yung scene para sa iba’t-ibang groups.

Medyo nakulangan din ako sa “Oooooh!” at “BURRRRRNNN” factor ng mga linya. Parang wala naman masyadong binitawan na mga salitang sobrang lupet. Sa mga play kasi na napanood ko (oh yeahhh so posh and stuff pero gets niyo na) may mga moments na parang mapapa-OOOOOOH ka na lang kasi parang sobrang lutong at anghang nung mga salita na sinasabi nila eh. Hindi naman na dapat puro mura at sigawang yung dialogue, pero parang wala masyadong tumatak sa utak ko na linya? Hindi ko alam kung sa script ba o sa pag-deliver yung problema? Pero basta ganun.

Ang tagal pa nung play! 11:30 na yata natapos. Eh nag-start mga 7:30 or 8? Tatlong oras ng takbuhan, pawis, dugo pero parang hindi ako na-satisfy. Parang kulang. O sobrang na-hype lang to the point na ‘di nareach yung expectations ko?

Kulang pa sa dugo. Okay, pwedeng pls itigil muna natin yung “Bakit mo gusto ng violence…” thing okay. Sige, ako, inaamin ko na pumunta talaga ako sa Battalia para makapanood ng mga batang nagpapatayan kasi ALAM KO NA GANUN YUNG MANGYAYARI AT GANUN YUNG KWENTO. Feeling ko, kung isang play ‘to na hindi mn-market ang violence tas biglang mayroon palang malalang violence dun ako magrereklamo. Ok, yun lang. Tsaka gusto ko talaga yung mga slasher movies and stuff so ang sarap makakita ng nagpapatayan in real life (pero in a play, get?) Ang sarap kaya sa tenga yung tunog ng baril HAHAHA psychotic ba pakinggan? Pero sobrang sarap ng adrenaline rush kasi, okay.

Honestly, medyo self-righteous yung tingin ko sa mga taong nag-vote para ihinto yung game (or selfish, kasi siguro napanood na nila tas gusto nila malaman kung ano mangyayari kung i-stop yung game!) kasi pumunta ka dito eh. Wag kang pa-deep bigla na cn-connect mo in real life kasi pumunta ka dito para manood ng patayan eh. WALA LANG HAHAHAHA tapos after nung voting, WALA, NANOOD PA RIN SILA. Sana pinaalis na lang talaga sila. Para cool, para mas makunsensya yung mga nag-vote ng ‘Continue’. At least, ang sarap tingnan, na napanindigan talaga nila na ayaw nila ng violence. Faux-activism echos lang yung naiisip ko nung pinapa-stop nila yung game e. (Dami kong feelings pero sorry ganito talaga naramdaman ko! =)))

Yung sa scene naman ni Timothy, nag-vote ako para mamatay siya at nadisappoint ako na na-save siya. Haha. Okay, id-defend ko kung bakit gusto ko siya mamatay:

  1. Hindi naman siya mabubuhay eh. Hindi siya yung mananalo. Mamamatay na rin siya, mas oks na na stranger (in this case, audience member) ang papatay sa kanya kaysa classmate niya. Haha.
  2. Hindi ako naantig sa 30 secs appeal niya. 😦 Nabasa ko yung Note nung actor na gumanap as Timothy tas meron siyang listahan ng mga rason kung bakit hindi siya dapat patayin. Hindi niya nagamit yun. 😦

Nadisappoint ako na bigla na lang siyang pinatay ni Solomon right after. Sana man lang binigyan siya ng pagkakataon na maging badass tas lumaban na lang siya against his classmates. LOL

Yung scene lang na talagang nagustuhan ko yung ending. Yung may party poppers. Astig e. Ang dami mong maf-feel na conflicting feelings.

Feeling ko kelangan ko pa siya panoorin ng isa pang beses para talagang mapanood ko lahat.

Eto yung mga characters na sobrang dami kong feelings. Meron pang iba, pero next time na pls. HAHA

Victor – ASAR NA ASAR AKO KAY VICTOR. Hindi ko gets bakit siya gusto ng mga tao. Dahil lang ba gwapo siya?????? Ang boring niya kasi eh. Pa-goody goody pa eh nakakaasar. Yung kay Jessica kasi parang okay pa kasi goody-goody na palaban, alam mo yun? Pero parang siya duwag pa eh. Yung after ng fight scene nila ni Cacai, give up na lang siya e. Papakamatay na. Ano kaya yun???

Cacai – Sobrang gusto ko siya kasi SIYA NAGA-ADD NG SPICE SA GAME. Yun lang yun e. Tsaka ang saya nung mn-mindgames niya si Victor.

Basti – Hindi ko masyadong nasubaybayan yung Kiriyama Girls so ‘di ko siya masyadong ‘nakilala’ as a character. Nakakaasar kasi siya pa yung isa sa mga huli.

Dami ko bang sinabi? SORRY hahaha. Anyway, you could find out more about Sipat Lawin Ensemble and Battalia Royale in the following websites. Clicky clicky~

https://www.facebook.com/battaliaroyale
http://battaliaroyale.wordpress.com/
https://twitter.com/battalia/
https://twitter.com/SipatLawin

You could also read about the insights and infinite feelings of audience members (and even actors!) regarding the play here: https://www.facebook.com/SymposiumRoyale

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s