Let the really long post about Hunger Games begin!

Na-tripan kong simulan basahin yung The Hunger Games last Thursday. Natapos ko yung Mockingjay kanina lang at syempre kelangan gumawa ng mahabang blog entry tungkol dito.

Unang-una, ‘di ako masyadong nag-expect na maganda yung libro. Akala ko uber-hyped up lang pero maganda pala talaga at oo nga, ang laki ng similarities niya with Battle Royale. (Hindi ko pa nababasa yung libro, pero I’ve heard of Battalia Royale so I know what the plot was).

Anyway, characters! Yung tatlo lang muna yung id-discuss ko, sobrang haba na kasi! (May spoilers pala dito sa 1st book ah, kaya please lang)

Katniss Everdeen
I loved Katniss in the first two books. She was strong, brave and smart. Astigin siya eh. For some reason, nac-compare ko siya kay Harry (from Harry Potter, malamang). Noble, minsan tanga, at may sense of right and wrong (although mas malakas yung kay Harry, medyo may times na duwag si Katniss eh). May certain spark sa kanya na mala-Harry, example, yung nag-volunteer siya for Prim, yung pinana niya yung apple sa pagkain ng mga Gamemakers, yung plano niya with the berries… ang galing. Pero pagdating sa Mockingjay… well… mamaya na yun.

Gale Hawthorne
I imagined him as Katniss’ incredibly handsome bestfriend. Yun lang. Medyo madungis pero hot. Sobrang fleeting lang ng appearance niya sa Hunger Games kaya na friendzone ko na kagad siya para kay Katniss. Although I did feel bad for him when Katniss would think about how Gale would feel every time he’d watch her and Peeta kiss on the arena.

Peeta Mellark
Ang weak niya. Ang weak ng character niya as in literal. Naiimagine ko yung itsura niya na parang Joffrey Baratheon (from Game of Thrones). Nung paakyat pa lang siya sa stage (in my imagination) nang natawag siya feel ko na sobrang spoiled at asshole niya kay Katniss at magiging walang silbi. Akala ko nga magkaaway sila eh pero na-debunk yung theory ko na yun nung nag-flashback na si Katniss tungkol sa kanya.

Tama nga ako na weak siya. Minsan nahihiya ako para sa kanya kasi wala talaga siyang silbi sa arena, kahit sa pag-hunt ni Katniss pabigat siya.

Nagustuhan ko siya kasi dahil sa feelings niya for Katniss. Loving someone from afar but can’t or won’t tell her. At gusto ko yung talent niya to manipulate people with words. Haha.

Gale-Katniss-Peeta Triangle

Despite my impression of Peeta being incredibly weak, I took his side in the Team Gale vs Team Peeta debate. Probably because his story, him receiving a beating just to let Katniss not die of hunger, him being in love with Katniss ever since forever and not having the courage to tell her, absolutely hit all the right parts of my emotional self.

Okay, sa totoo lang kasi, nung umpisa ng libro nasa thinking kasi ako na BESTFRIEND lang si Gale. So eh di yan, nagbabasa ako with that thought in my head tas biglang hirit si Gale na “We could run away” echos echos which totally caught me off guard! (Feeling Katniss??) So ayun, ayoko lang kasi yung friend mo tas feeling mo uber friends lang kayo tas biglang may gusto pala sa’yo (may pinanghuhugutan?). Okay sana kung nag-hint siya ng konti pero feeling ko naman hindi nag-hint ever si Gale na gusto niya si Katniss.

So punta tayo kay Peeta. Hindi ako automatically naging Team Peeta kasi na-friendzone ko na si Gale. Diba nga, akala ko magiging nakakairitang person siya sa arena. Pero hindi. Nung una pa-myste-mysterious act pa si Peeta (hindi masyadong nakikipagusap sa train, etc or medyo anti-social lang si Katniss nun?) so medyo naging interesado ako sa kanya. Tas puta, in love pala siya kay Katniss? Akala ko talaga magiging murderous bastard siya any time. Ewan, basta bigla na lang akong na-in love kay Peeta okay! ‘Di ko sinasadya, ‘di ko pnlano! CHAROT. Hahaha.

Ang galing kasi manglandi ni Peeta at magaling siya magsinungaling. (Wow Redg mga type mo ha)

(Okay, may spoilers na sa Catching Fire and Mockingjay under the cut okay! May mga friends pa pala akong ‘di nakakabasa ng buo akala ko ako na pinakahuli sa balita)

Pagbalik sa Real World, halatang ‘di na nagkakaintindihan si Gale at Katniss. Hanggang sa Mockingjay, magkaiba na sila ng pag-iisip. For example, di ma-gets ni Gale kung bakit ba concerned na concerned si Katniss sa prep team niya. And fine, it’s normal to argue with your friend and agree to disagree pero nakakasawa rin yun (esp kung may mga bigger problems pa katulad ng war, etc.) Ewan, minsan feel ko kaya lang parating hinahanap ni Katniss si Gale dahil familiar siya. Nagr-regress siya and gusto niya balikan yung times na okay sila, na kahit nagugutom sila okay lang kasi simple lang buhay. Pero hindi ganun eh. Nag-iba na sila. And isn’t that what happens in real life? Sa simula, you’re like two peas in a pod, sobrang in sync kayo as in uber bestfriends and then something happens and then you guys can’t even find something to talk about? Okay, that didn’t happen to Gale and Katniss right away but it happened eventually. Sobrang sakit, sobrang lungkot pero sobrang totoo. Ganun talaga eh.

Yes, Gale and Katniss experienced living in poverty. At hindi maiintindihan ni Peeta yung ganung klaseng situation, when one is so desperate to find food and means of surviving life in 12. However, Peeta and Katniss also have experienced something completely different (and more horrible, in my opinion) and that is being thrown in to the arena twice and serving as toys for the Capitol and the whole of Panem. At least sa 12, kasama mo pamilya mo at simple lang ang buhay, the only threat of death is dying out of hunger (pero at least kasama mo loved ones mo diba? Wala lang, yun yung bright side para sakin).

Ganito na lang, si Peeta, baka ma-gets pa niya kung paano yung pinagdaanan nina Katniss at Gale pero si Gale, NEVER niyang maiintindihan ang mga nangyari sa Arena. Yung mga nakita niya sa TV, hindi yun enough para maintindihan niya lahat.

In the end, Peeta and Katniss are the only ones who could understand the horrors they’ve faced in the Capitol. They’re so fucked up na silang dalawa na lang talaga ang pwede kasi sila lang makakaintindi sa isa’t-isa.

Tsaka ang hot nung momol nina Peeta sa beach okay?!
On the disaster that is Mockingjay

Hindi ko alam kung mas prefer ko lang talaga na mahaba yung series (nasanay sa Harry Potter at A Series of Unfortunate Events siguro?) or dahil tinapos ko yung tatlong libro ng mabilisan pero sobrang rushed talaga nung Mockingjay. Parang tinamad na lang si Suzanne Collins na magsulat bigla tas ginawa na lang trilogy para matapos na.

For one thing, ‘di ako makapaniwala nung una na totoo talaga yung District 13. Akala ko red herring lang yun (yes, masyadong maraming ASoUE) o kaya medyo sa ending pa malalaman pero hindi eh, umpisa pa lang, we were forced to swallow the fact that yes, thirteen is real and there is an entire city living underground.

Then biglang introduced na tayo sa napakaraming characters. Then we realize na alam ni Finnick, Haymitch at Johanna yung plano all along and, personally, I (along with Katniss, char) felt so betrayed. Tangina naman! Ginamit lang din si Katniss. Anong difference nun sa Games??

Tapos sobrang layo pa ni Peeta nakakainis. Tas pagbalik niya sobrang broken na niya at messed up. Sobrang gusto kong ibato yung laptop habang nagbabasa nun.

Nakakainis rin pala yung pagsulat ni Collins na parating cliffhanger yung dulo ng chapter. Nakakairita, okay sana kung minsan eh, pero almost every chapter! Feel ko nga yung ibang cliffhangers and twists hindi talaga planado, pero since she just HAS to keep her readers on the edge kelangan talaga may twist every chapter. Pati yung ending eh, kelangan may ganung effect. Halos parating isang sentence ang pag-end sa chapter. Haha.

Sobrang naiinis rin ako sa lack of action dito. Puro on-camera drama nakakairita. Sobrang nasayang yung talent nilang lahat kasi parang scripted lahat ng pinagdadaanan nila. Mas okay pa sa Arena eh, mas totoo yung danger, mamamatay ka talaga. Eh dito sobrang boring, may time na nasa ilalim lang talaga sila ng thirteen. B-O-R-I-N-G.

Nakakairita pa yung fact na parating nagb-blackout si Katniss! Taragis, paputol-putol yung action eh. Just when I thought that I’m getting to the good parts of the war biglang magb-blackout na lang. Nung sinakal siya ni Peeta, nung namatay si Prim, nung nandun sa District Eight. PARATI NA LANG! NAKAKASAWA.

Nakulangan rin pala ako sa sadness at rage expressed over Prim’s death. Puta naman! Prim is the reason why Katniss volunteered to be a tribute tas wala man lang intense shouting match between Gale and Katniss or Coin and Katniss or Snow and Katniss? Wala man lang, “PRIM?? PRIM??? PLEASE DON’T DIE” dialogue? Mas okay pa yung kinalmot bigla ni Katniss si Haymitch nung nalaman niya na naiwan si Peeta eh, at least na-express niya feelings niya. Ewan, nakulangan ako. Kahit yung lungkot, ‘di ko naramdaman.

Naalala ko tuloy nung feel na feel ni Harry nung namatay si Sirius. Nagwala sa office ni Dumbledore eh. Yun yung hinahanap ko.

Hindi rin pala na-explain yung backstory ng pagka-in love ng tatay ni Peeta sa nanay ni Katniss. I don’t know, maybe I just like having all the loose ends tied up. I thought there would be more to it than just what Peeta shared.

Pero na-gets ko yung ending na pinatay ni Katniss si Coin. Kelangan talaga eh. Parehas lang sila ni Snow etc. Pero kainis nung NAGBLACKOUT NA NAMAN SIYA AFTER NIYA PATAYIN. And then biglang tapos na yung trial niya. ‘Di ko man lang na-feel yung tagal niya na nakakulong.

Nangyari na rin nga yung uber fallout nina Gale at Katniss. Malungkot pero inexpect o na rin na ganun yung mangyayari. Masyadong rebelde si Gale, hindi na sila nagm-meet ni Katniss.

Sobrang empty nung feeling nung bumalik sila ni Haymitch sa 12. Parang, eto na ba talaga yung ending? Hindi nakakasatisfy. Kahit nung bumalik si Peeta, parang kulang pa rin. Pero ganun talaga siguro, after the war, things never really go back to normal. Kelangan maghanap ng bagong normalcy. Kelangan gumawa ng bagong buhay.

 

Ang drama ng life nila. Nakakainggit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s