Parang sayaw lang.

Cheers.

Ang sarap talaga ng Red Horse kapag malamig. Nakakamiss. Tagal mo ng ‘di nakakainom kasi may trabaho ka na, kelangan bawasan mga bisyo, chenes. Minsan, napapa-yosi ka pa rin kapag inaalok ka ng mga office mates mo pero minsan lang yun! (Pramis.)

Weird na magkasama kayo ngayon. Or tadhana nga ba? Puta kasi, ang galing, nagkaabutan pa talaga kayo don. Dapat dadaan ka lang eh, sisilipin mo lang kung sino-sino na mga tao na nandun. Tas puta, andun din siya o. Natigilan rin siya eh, napansin mo yun. Tas tumawa na lang kayo bigla, tas ayun na, nagkayayaan uminom.

Binati mo yung porma niya na parang may reporting sa klase. Napatawa siya tas minura ka niya. Gago ka talaga.

Maayos naman mga pag-uusap niyo habang nasa kotse. (Oo, marunong ka na mag-drive sa panahon na ‘to.) Kwentuhan tungkol sa mga nangyari pagkatapos ng graduation, kung san ka na nagt-trabaho, ayos ba sweldo, sinong bitch ang nakakairita sa workplace, mga ganun ba.

Nakakatawa pa rin mga jokes niya at hirit. Nakakamiss pala siya. Naalala mo na kung ba’t mo siya naging kaibigan.

Pumunta kayo sa isang inuman place na malapit sa apartment mo. (Oo, may apartment ka rin sa panahon na ‘to.) Dumating na yung Red Horse, tas isaw. Parang Sarah’s lang.

Nag-usap pa kayo. Mga current happenings sa life. Nung dumating na yung puntong, yun na lang yung ‘di napag-uusapan, nag-give up ka na. Tinanong mo na siya:

O so kamusta naman kayo?

Pag-uusapan na ba talaga natin ‘to? Okay tayo ngayon e.

Bakit, okay na ako. Ayaw mo ba? Okay lang sakin.

Okay lang din sakin.

O so ano na?

‘Di siya makatingin. Tinitigan lang niya yung bote niya, as if yung kabayo sa Red Horse logo yung magk-kwento.

Natawa ka na lang. Grabe, anyare? Okay ka lang?

Ngumiti siya ng slight. Tas uminom.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s